Hindi Ito Tadhana

Alam kong alam mo, na sa tuwing dumadapo ang mga mata ko sa mata mo, hindi ito tadhana.

 Alam kong alam mo na napakadesperada ko para humabol sa isang tulad mo na isang perpektong nilalang, habang ako ay isang di hamak na simpleng tao lamang.

Alam kong alam mo na sa tuwing maabutan kitang kumakain, sa tuwing masisilayan mo akong naglalakad, alam kong alam mo na habang palayo ako ng palayo sa’yo, pilit akong pinipigilan ng pusong kapit ng kapit sayo. Pero binibitawan mo ang kapit ko. 

Alam kong alam mo na sadya akong dumadaan sa daanan mo upang makasabay ka kahit siguro ay ni-first name ko, hindi mo naman siguro alam. 

Alam kong alam mo na sa bawat salita mo para sakin, namumula na agad ang tenga ko, pumipintig ang puso ko, at lumaya ang paru parong tila bang nakakulong sa tiyan ko. Ni simpleng “ay sorry” mo siguro hihimatayin ako.

Hindi ito tadhana. Hindi ito simpleng nagkabanggaan lang, nagkatinginan lang, hindi ganun.

Hindi ito tadhana. Sadyang pinilit ko lang.

Hindi tayo itinadhana. 

Hindi tayo itatadhana, at kahit pilitin ko, hindi parin talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s