#HiddenLetters no. 3

“Sorry”, wika mo.

Kadalasan, pag naririnig ko ang salitang sorry, natutuwa ako.
Dahil ibig sabihin non nagsisisi ka na. Na ang ibig sabihin non eh, tanggap mo na ang pagkakamali mo. 

Na pag naririnig ko ang salitang “sorry” eh para bang gaganda na ang buhay ko pagkatapos. Parang, may malaking magbabago. At kadalasan naman, meron nga. 

Kaso lang minsan, ayokong naririnig ang salitang yon. Dahil kahit man maganda ang kalalabasan nito, alam ko may kaakibat itong sakit. 

Alam ko na merong sakit, dahil naranasan ko.

Dahil nung narinig ko ang “sorry” na sinabi mo, parang gumuho ang mundo ko. Nanlumo ako. Alam kong darating din sa punto na mapupunta tayo sa ganito. Pero hindi ko inakala na ganito kabilis. 

Nanlumo ako dahil noong sinabi mong sorry, nakita ko ang mga mata mong mapupungay na humihingi rin ng tawad, at naghahanap rin sila sa aking mga mata ng pag-asang patawarin kita.

Nanlumo ako dahil noong sinabi mong sorry, alam kong totoo ito. At iyon ang pinakamasakit.

Dahil hindi naman “sorry” ang gusto kong marinig sayo.

Sabihin mo lang na mahal mo ako, okay na ako.

Advertisements

2 thoughts on “#HiddenLetters no. 3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s