Selos

Submitted by Claire Sofia Pascual

Hindi ko maintindihan.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng mga salita na sinasabi mo sa akin ay nasasaktan ako. Sa bawat pag ngiti mo sa iba ay hindi ako natutuwa. Sa bawat pagsabi mo ng “okay” ay hindi ako masaya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat pagtingin mo sa cellphone mo tuwing magkasama tayo ay nalulungkot ako. Sa tuwing nagkukuwento ka ng kung ano-ano tungkol sa iba ay kumikirot ang puso ko. Sa bawat pag-“seen” mo sa mga messages ko sa Messenger ay naiiyak ako. Sa bawat pagsabi mong uuwi ka na ay nanghihinayang ako. Sa tuwing may kasama kang iba ay naiinggit ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Ang tanging naiintindihan at tanging alam ko lang ay hinahayaan kong ako’y masaktan nang hindi mo nalalaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s