#HiddenLetters no. 2

Ang gulo mo.

Kasing gulo mo yung sulat ko pag nagsusulat ako ng mga bagay na natatandaan ko sayo at kasing gulo mo ito kapag fine-flames ko ang pangalan natin, sa pag-asang tayo ay magtutugma rin.

Kasing gulo mo yung buhok ko sa umaga, kapag kakagising ko lang, at ang unang pumapasok sa isip ko ay ang pangalan mo, at kung paano babagay ang apelyido mo sa pangalan ko.

Kasing gulo mo yung bag ko, na nagkakalat kalat ang mga basura loob, na sa loob ng mga papel doon ay ang flames na sinulat ko at tinapon dahil sa alam kong kahit gaano karaming beses ko isusulat ang pangalan mo, hindi mababago ang pag-ibig ko sa iyo at ang pakiramdam mo sa akin.

Kasing gulo mo yung utak ko pag Math na, at Science ang susunod na asignatura. Hindi kinakaya ng utak ko ang mga numero at mga bagay na pinag-aaralan ko dahil ikaw palang, hindi ko na agad kinakaya.

Pero higit sa lahat, kasing gulo mo ang nararamdaman mo.

Dahil sa bawat sabi mong hindi mo ako gusto, ang pinapakita mo ay baliktad. Dahil sa bawat sabi mo na hindi mo na ako mahal, pinapaasa mo parin ako na kaya ko pa. Na kaya mo pa. Na kaya pa natin.

Pero kahit magulo ka, magulo rin ako.

Dahil sa bawat sabi ko ng hindi ko na kaya, sa dulo ng isip ko pinipilit ko parin. Dahil sa bawat layo ng katawan ko sayo, siya namang lapit ng puso ko sayo. Dahil sa bawat pag-iyak ko, masaya ako dahil ikaw ang dahilan.

Magulo ako.

Magulo ako dahil mahal kita.

Advertisements

One thought on “#HiddenLetters no. 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s