#HiddenLetters no. 1

Nandoon ako sa upuan mo. Naghihintay. Nag-aalala.

Ano na kaya ang nangyare sayo? Tanda ko pa noon, kukulitin mo pa ako na kausapin ka. Ngayon, iba na ang ginagawan mo ng ganoon. Dati pa nga, magkasabay pa tayo at magkatabi. Ang saya sa feeling, lalo na nung unang pagkakita ko palang sayo, kasabay ng pagtingin ko sa mata mo ay ang pagkahulog ng puso ko.

Pero wala kang ideya noon. At ginusto ko na ganon. Ok lang sa akin na makatabi lang kita noon at makachikahan. Minsan sabay tayo kakain sa school cafeteria. Pero…. Ay hindi. Sabay pala tayo lagi. Pero ngayon, sa pagkain ko ng sinigang, ikaw lang ang nasa isip ko at ang pagkain natin ng sisig kada araw, na naging dahilan ng pagkawala ng baon ko kada linggo. Kadalasan, naiisip kita. Hindi kita naiisip pag madaling araw na at tahimik na ang mundo at ang isip ko nalang ang gising, hindi. Naiisip kita kapag ako’y nasa eskwelahan at nagsasagot ng quiz sa Araling Panlipunan, at ang ingay ingay sa silid aralan. Natatandaan kita hindi pag ako’y nag-iisa, kundi natatandaan kita pag nararamdaman ng puso ko na nag-iisa siya.

Ngayon, pinipigilan ko ang isip ko na umalis at lumapit sayo. Pero kahit anong pigil ko, ang puso ko naman ang nakakatakas at humahabol sayo. Pero habang hinahabol kita, may hinahabol ka namang  iba.

Umupo ako sa upuan mo hindi para matandaan ka, kundi para limutin ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s